AYOKO NA, WALA NA TAYO
palang alam ko na hindi tayo magtatagal. Pero pinagpatuloy ko parin. Lumipas ang mga araw, buwan at taon, Tumagal tayo ng 5 yrs.and 10 months ng puro away lang. Ikaw yung tipo ng lalaki na hindi dapat Ginagalit at pinapakialaman kasi Hindi mo yun gusto, wala ako magagawa dun. Bungangera ako kaya naririndi ka na sa ugali ko. Dumating tayo sa point na naghiwalay na, Pero nanaig parin yung pagmamahalan natin. Nagsusuyuan tayo sa isa't-isa tapos mag aaway ulit mga ilang oras ang nakalipas. Paulit-ulit nalang ang nangyayare. Dito ko nalang ilalabas sama ng loob ko sayo. Gusto ko na makipaghiwalay, Gusto ko na maging masaya, Gusto ko na makipag inuman sa mga friends ko, Gusto ko na gawin lahat ng mga ginagawa ko dati nung hindi mo pa ako ginugulo. Gulong-gulo na buhay ko simula nung naging tayo. Tayong dalawa lang din nagkakaintindiha sa mga problema natin. AYOKO NA.